24M COVID doses darating ngayong linggo sa Pinas

24M COVID doses darating ngayong linggo sa Pinas

December 14, 2021 @ 12:30 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahan ng gobyerno na matatanggap sa linggong ito ang mahigit 24 milyong coronavirus disease (COVID-19) jabs mula sa iba’t ibang manufacturers, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Lunes.

Inaasahan ding makapagbabakuna sa bansa ng mahigit 100 milyong COVID-19 vaccines sa loob ng linggong ito.

Nitong Lunes, nasa 96,519,211 doses na ang naiturok sa mga Pilipino, kung saan 41,039,335- o 53.20 porsyento- ang fully vaccinated.

Mayroon ding pitong milyong menor na nabakunahan, kung saan 2.1 milyon sa kanila ay fully vaccinated na.

Nabakunahan naman ang 774,321 indibidwal ng booster o additional COVID-19 shot sa Pilipinas.

Inaasahan  ng gobyerno ang pagdating ng sumusunod na vaccine doses hanggang Sabado:

  • Johnson & Johnson: 9,316,800 (donated by the European Union through COVAX)

  • Pfizer: 4,984,200 (procured)

  • Moderna: 5,208,900 (COVAX)

  • Sinovac: 2,000,000 (donated by China)

  • AstraZeneca: 2,963,900 (donated and procured)

Sinabi rin ni Galvez na kumpiyansa ang pamahalaan na maaabot nito ang target na 54 milyong fully vaccinated na mga Pilipino sa pagtatapos ng taon.

Inaasahang makapagbabakuna ng pitong milyon pang indibidwal sa mula Disyembre 15 hanggang 17. RNT/SA