25 bariles ng kemikal panggawa ng shabu, nasabat ng PDEA

25 bariles ng kemikal panggawa ng shabu, nasabat ng PDEA

October 2, 2022 @ 8:25 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 25 bariles na naglalaman ng hydrochloric acid mula sa isang barko na dumating sa pantalan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ang naturang kemikal ay isa sa mga sangkap na ginagamit panggawa ng shabu.

Nang siyasatin ng mga Bureau of Customs ang pasahero ay bigo nitong maipakita ang kanilang hinihinging dokumento,

Ayon naman sa kapitan ng barko, inutusan umano sila ng kanilang employer na magdala ng naturang kemikal panlinis ng barko mula sa Japan.

Maliban dito, inihayag rin nito na nanggaling na sila sa United States, Singapore, South Korea at iba pang bansa ngunit sa Pilipinas lamang sila nasita.

Sa kabila nito, sinabi naman ng PDEA na labag sa batas ang magbyahe ng hydrochloric acid lalo na kapag maramihan kung wala itong karampatang dokumento.

Dahil dito ay magsasampa ng reklamo ang BOC at PDEA laban sa pamunuan ng naturang barko. RNT/JGC