25 bilanggong Pinoy sa Qatar, palalayain na

25 bilanggong Pinoy sa Qatar, palalayain na

June 17, 2018 @ 4:47 PM 4 years ago


Qatar – Palalayain na sa Lunes ang dalawampu’t limang Pinoy na nakakulong sa Qatar, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Ayon ay Dole Secretary Silvestre Bello III, ang desiyong ito ng Qatar government ay hindi pangkaraniwan dahil sa dami ng kanilang pinakawalang bilanggo na kadalasan ay isa hanggang tatlo lamang.

Ang mga uuwing Pinoy galling Qatar ay maililipat sa kustodiya ng Pilipinas sa Lunes.

Ang gobyerno ang sasagot sa repatriation ng mga Pinoy at bibigyan rin sila ng trabaho at tulong pinansiyal para makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya. (Remate News Team)