25 pamilya nawalan ng bahay sa La Union

25 pamilya nawalan ng bahay sa La Union

July 16, 2022 @ 10:35 AM 4 weeks ago


LA UNION- Umaabot sa 78 indibidwal o 25 na pamilya ang nawalan ng bahay matapos ang nangyaring sunog sa Brgy. Paringao, Bauang ng lalawigang ito noong Miyerkules, Hulyo 13.

Naabo ang 27 na bahay sa nangyaring sunog at wala umanong naisalbang mga gamit ang mga biktima.

Hinihinilang nagsimula ang sunog mula sa isang napabayaang charger na nakasaksak.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa concrete at light materials ang mga bahay.

Matapos ang inilabas na direktiba si Gov. Rafy Ortega-David, agad na kumilos ang Provincial Government of La Union (PGLU) para makipagtulungan sa Municipality of Bauang sa pagbibigay ng assistance o tulong sa mga nasunugan.

Nagbigay sila ng family packs, hygiene kits at nagtayo ng 15 modular tents.

Walang naiulat na nasugatan sa naturang insidente. Rolando S. Gamoso