Oil spill responders, PCG kinilala ng Oriental Mindoro

April 1, 2023 @1:39 PM
Views: 1
MANILA, Philippines – Ginawaran ng pagkilala ng Oriental Mindoro, sa pangunguna ni Gobernador Humerlito Dolor ang Philippine Coast Guard (PCG), mga kawani ng gobyerno, at mga volunteers sa nagpapatuloy na oil spill response operations sa probinsya.
Kinilala nito ang serbisyo maging ng mga donor, international agency at iba pang mga nasa pamahalaan na nagpadala ng tulong sa apektadong probinsya.
Maliban dito, nagpasalamat din si Dolor sa mga alagad ng media sa maayos na pagbabalita sa nagpapatuloy na oil spill.
“Kahit saang laban, the most important thing there is relationship. Kapag nakapag-establish ng magandang relasyon sa isa’t-isa, talagang mas epektibo tayong magtrabaho,” sinabi naman ni incident Management Team Oriental Mindoro Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla.
Ipinaabot nito ang pasasalamat sa tulong na natatanggap din nila mula sa Oriental Mindoro na mas nagpadali sa kanilang operasyon sa lugar.
Maliban sa mga ginawaran ng pagkilala, dumalo rin sa seremonya sa Provincial Capitol ng Oriental Mindoro sina Mindoro Vice Governor Ejay Falcon; Naujan Mayor Joel Teves; DENR Regional Director Lormelyn Claudio; Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Vinscent Gahol, at Colonel Jose Augusto Villareal ng PNP Southern Luzon Command. RNT/JGC
Poultry processing plant sa Bohol, nasunog

April 1, 2023 @1:26 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Tinupok ng sunog ang isang poultry processing plant sa Ubay, Bohol nitong Huwebes, Marso 30.
Ayon sa ulat, nagsimula ala-1 ng hapon ang sunog sa Marcela Farms, sa dressing plant building nito.
Tumagal ng halos limang oras ang sunog ngunit mapalad na walang nasawi dito.
“We are grateful that all of our employees have safely evacuated the facility. Everyone in the dressing plant remains unharmed and are getting emergency assistance from our response team,” pahayag ng kompanya.
“Despite the damages caused by the incident, we are doing everything we can to ensure continued supply of poultry products for Bohol,” dagdag pa nito.
Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.
Tinatayang nasa P398 milyon ang pinsala ng insidente. RNT/JGC
Road repairs ikakasa ng DPWH ‘gang Abril 3 – MMDA

April 1, 2023 @1:13 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na posibleng makaranas ng pagkakabuhol-buhol ng trapiko dahil sa mga ipatutupad na road repairs sa National Capital Region ngayong weekend.
Ito ay dahil nagsimula na ang pagsasaayos ng mga kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon, Marso 31, at tatagal hanggang Abril 3 sa ilang bahagi ng EDSA, C5, A. Bonifacio Avenue at Commonwealth Avenue.
Ayon sa MMDA, magsasagawa ang DPWH ng road reblocking sa mga sumusunod na lugar:
C-5 Road SB sa pagitan ng Lanuza Ave. at Green Valley Footbridge, Brgy. Ugong (truck lane), Pasig City
C-5 Road makaraan ang Elevated U Turn Slot (3rd lane mula sa median Island), Pasig City
Edsa SB malapit sa Estrella St. at malapit sa Ayala Ave., Makati City (Rotomilling/ Asphalt Overlay Only)
Edsa NB malapit sa MRT Buendia Station (Innermost lane), Makati City
Edsa SB harap ng Uni Oil at bago ang Bansalangin St. (Outer lane/ 1st lane mula sa sidewalk), Quezon City
Edsa SB bago ang Dario Bridge at harap ng Lemon Square Bldg. (Outer lane/ 1st lane mula sidewalk), Quezon City
Luzon Ave. NB flyover hanggang Congressional Ave. Ext. (Inner lane/ 1st lane mula sa plant box), Quezon City
Commonwealth Avenue WB Doña Carmen St. hanggang Odigal St. (4th lane mula sa gitna); at corner Riverside St. (1st lane mula sa gitna), Quezon City
Edsa NB mula Mahal Kita Hotel hanggang Taft Ave. (2nd lane mula median Island)
A. Bonifacio Ave. SB corner Sgt. Rivera (1st lane mula sa sidewalk), Quezon City
C-5 Service Road SB, Bagong Ilog bago mag-stop light patungong Pasig Blvd. Ext. (Bahagi ng 1st at 2nd lanes), Pasig City
Ayon sa MMDA, tuluyan nang madaraanan ang mga kalsadang ito pagsapit ng alas-5 ng umaga ng Lunes, Abril 3. RNT/JGC
Ramon Ang umamin, naging kliyente ng lumubog na barko sa Mindoro

April 1, 2023 @1:00 PM
Views: 15
MANILA, Philippines – Aminado si San Miguel Corporation President at CEO Ramon Ang na naging kliyente na rin siya ng RDC Reield Marine Services (RDC).
Ang RDC ang may-ari ng lumubog na MT Princess Empress sa dagat na sakop ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28 na nagresulta sa oil spill at nakaapekto sa mga probinsya ng Mindoro, Antique, Palawan at maging sa Verde Island sa Batangas.
“We are one of the clients of that vessel, I don’t want to name the other companies. There are several companies that company is supposed to deliver oil to, not only us,” sinabi ni Ang sa panayam kasabay ng paglulunsad ng Battery Energy Storage System sa Limay, Bataan.
Wala ring komento si Ang patungkol sa naturang isyu.
Ang MT Princess Empress ay may kargang 900,000 litro ng industrial oil fuel at patungo sana ito sa Iloilo nang lumubog dulot ng engine failure.
Samantala, humihingi naman ng bayad-anyos ang mangingisda at apektadong residente dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila pinapayagang mangisda dulot ng oil spill. RNT/JGC
PH seafarers’ certificates patuloy na kikilalanin ng EU

April 1, 2023 @12:33 PM
Views: 20