25 pang Pinoy patay sa COVID!

25 pang Pinoy patay sa COVID!

August 11, 2022 @ 7:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 3,181 bagong kaso ng coronavirus disease nitong Miyerkoles, na nagresulta ng nationwide tally na 3,813,952.

Mas mataas ito sa 2,618 na kaso ma iniulat noong Martes

Sa pinakahuling datos, ang aktibong case tally ay bumagsak sa 36,035 mula 36,666 noong Martes.

Sa nagdaang dalawang linggo, ang National Capital Region na nag-ulat ng 15,804 na kaso, sinundan ng Calabarzon na may 10,049; Central Luzon na may 5,102; Western Visayas na may 2,760 at Central Visayas na may 2,147.

Sinabi ng DOH na ang recovery tally ng bansa ay umakyat sa 3,717,028 na may bagong gumaling na 3,786.

Nasa 25 bagong deaths naman ang naitala kung saan may kabuuan nang 60,889.

Kabuuang 8,488 beds ang okupado habang 20,136 ang bakante makaraang bahagyang tumaas ang bed occupancy ng 29.7 percent nitong Lunes, Agosto 8.

Nasa kabuuang 24,569 indibidwal naman ang nasuri habang 326 resting labs ang nakapagsumite ng kanilang datos sa DOH noong Agosto 8. Jocelyn Tabangcura-Domenden