25 Pinoy na hagip ng Syria-Turkey quake nakauwi na ng Pinas

25 Pinoy na hagip ng Syria-Turkey quake nakauwi na ng Pinas

February 28, 2023 @ 10:57 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Dalawampu’t limang Pilipinong naapektuhan ng lindol noong Pebrero 6 sa Turkey at Syria ang nakauwi na ng Pilipinas.

Bago ang kanilang repatriation, pansamantalang nanatili ang grupo sa shelter na ibinigay ng Philippine Embassy sa Istanbul. May 100 Pilipino ang nananatili sa shelter na ito.

Limampung higit pang Pilipinong naapektuhan ng napakalaking 7.8-magnitude na lindol ang inaasahang darating sa Pilipinas sa mga susunod na linggo.

Samantala, tinapos na ng composite Philippine rescue team ang kanilang tour of duty sa Turkey kung saan nakatulong sila sa pagsagip sa 10 biktima ng lindol. RNT