NBA dream ko hindi ko isusuko – Sotto

June 26, 2022 @12:36 PM
Views:
0
MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni Kai Sotto ang mga fan na sumuporta sa kanya sa buong mundo kahit pa bigo itong makuha ng kahit anong NBA team sa ginanap na NBA draft nitong nakaraang araw.
Ayon Sotto, 20, tuloy ang kanyang ambisyon at journey na makamit ang minimithing pangarap na maging kauna-unahanga purong Pinoy sa NBA.
Hindi pa umano rito natatapos ang pangarap ni Sotto dahil napakabata pa nito at maraming pang panahon na mag-improve ang laro, ayon sa mga kritiko.
Marami umanong halimbawa sa mga nakaraan na nagka-interest pa rin ang ilang NBA team sa ilang mga undrafted player.
Maganda halimbawa umano rito ay sina NBA stars na sina Christian Wood, Fred VanVleet, at Seth Curry.
Samantala, kinontra naman ng agent ni Sotto ang plano ng Pinoy na paglalaro sa NBA summer league
“Thank you to everyone for your support and kind words tonight, I won’t stop pursuing the dream of being in the NBA…..this is not the end. I also want to clarify that no decision has been made about me not playing in the summer league. My agent misspoke,” ani Sotto sa kanyag social media account na Twitter.JC
Oath-taking ng mga bagong nars, occupational therapists kasado sa Hulyo

June 26, 2022 @12:30 PM
Views:
6
MANILA, Philippines- Nakatakda ang oath-taking ng mga bagong pumasa sa Nurse Licensure Examination sa Hulyo 14, alas-10 ng umaga, ayon sa abiso ng Professional Regulation Commission (PRC). Pangungunahan ang seremonya ng sumusunod na PRC branches: Iloilo, Legazpi, Pagadian, Cagayan de Oro, Davao, Baguio, Koronadal, San Fernando, Pampanga, Lucena, Tacloban, Cebu, Tuguegarao, Rosales, Pangasinan, at Butuan.
Samantala, ang mga bagong pasado naman sa licensure examination for Physical Therapists and Occupational Therapists ay manunumpa sa Hulyo 6, ala-1 ng hapon. Isasagawa ito ng PRC Butuan, Tacloban, Tuguegarao, at Lucena.
Dahil sa pandemya, virtual lamang ang dalawang oath-taking ceremonies.
Gayundin, ipinag-utos ng Commission, sa lahat ng inductees na kumuha ng appointment schedule sa website ng PRC. Magsasara ang rehistrasyon limang araw bago ang oathtaking day, dagdag pa nito.
Pinaalalahanan din ang mga bagong nars na isuot ang kanilang gala at cap, habang ang bagong physical at occupational therapists naman ay kinakailangang magsuot ng formal o business attire sa seremonya. RNT/SA
Higit 15K pulis ipakakalat sa inagurasyon ni PBBM – PNP

June 26, 2022 @12:15 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado na pinaigting nila ang security preparations para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos sa susunod na linggo, kung saan magtatalaga sila ng 15,000 police personnel.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo na halos 7,000 pulis ang ipakakalat sa National Museum sa Manila sa Hunyo 30, habang ang natitira ay ipakakalat sa Philippine International Convention Center, Mendiola areas, at ilang mga checkpoint.
“Kung lahat-lahat including ’yung mga ilalagay natin na mga checkpoints sa mga papasok sa Metro Manila ay higit kumulang na 12,000 hanggang 15,000 ang total na PNP personnel na ide-deploy natin for this purpose,” ani Fajardo sa isang televised briefing.
“Sa ngayon wala tayong nare-receive na any credible or serious threat pertaining dito sa nalalapit na inauguration ni President-elect BBM … patuloy tayong nakikipag-coordinate sa ating intelligence units to make sure na lahat itong information na napakalap natin ay nava-validate natin properly,” patuloy niya.
Inaasahan ng PNP ang 25,000 hanggang 30,000 taga-suporta na pupunta sa National Museum para sa oath-taking ni Marcos.
Sinabihan naman ni Fajardo ang mga raliyesta na papayagan silang mag-protesta subalit sa freedom parks lamang at hindi sa malapit sa National Museum.
“Sila naman po ay papayagan basta yan po ay limited sa freedom parks at sana ay huwag na sila magplano na umalis, magmartsa patungo sa area kung saan gaganapin yung inauguration para hindi na rin magkaroon ng kaguluhan at problema,” aniya. RNT/SA
Djokovic ayaw talaga sa bakuna vs COVID-19

June 26, 2022 @12:01 PM
Views:
13
LONDON — Inulit ni Novak Djokovic ang kanyang hardline na pagtanggi na magpabakuna kontra Covid-19 matapos hindi sumabak sa Grand Slam ng season sa US Open.
Si Djokovic ay ipinatapon mula sa Melbourne noong Enero dahil sa kanyang pangsariling paninindigan kontra bakuna, dahilan para mabigo siyang makuha ang ika-10 titulo ng Australian Open.
Dahil walang inaasahang pagluwag sa US sa mga bisitang hindi nagpakuna, sinabi ng 35-anyos na si Djokovic na ang Wimbledon, na magsisimula sa Lunes, ay ang kanyang huling Slam ng 2022.
Nang tanungin kung ganap na ba niyang isinara ang kanyang isip sa pagpapabakuna, ay sinabi nitong Oo.
Si Djokovic ay naging kampeon ng US Open noong 2011, 2015 at 2018.
Mayroon siyang 20 Slam sa kanyang pangalan, dalawang mas kaunti kaysa sa matandang karibal na si Rafael Nadal.
Noong nakaraang taon, ang pagkatalo sa New York final kay Daniil Medvedev ay naging dahilan upang mabigo siya maging unang manlalaro mula noong 1969 na makasungkit ng isang calendar Grand Slam.
Ang kanyang kawalan ng kakayahan na bumiyahe sa United States — hindi na niya nakuha ang Indian Wells at Miami Masters — ay magsisilbing pangunahing udyok sa kanyang pagtutok sa ikapitong Wimbledon title.
“As of today I’m not allowed to enter the States under these circumstances. That is an extra motivation to do well here. Sana magkaroon ako ng napakagandang tournament,” ani Djokovic.
“I would love to go to States. Pero as of today, hindi na pwede. Wala na akong magagawa pa.
“Talagang nasa gobyerno ng US na gumawa ng desisyon kung papayagan nila o hindi ang mga hindi nabakunahan na pumasok sa bansa.”
Nagdaragdag din ng gasolina sa Djokovic fire ang pagkakataong manalo ng pang-apat na sunud-sunod na titulo sa Wimbledon at sumali sa isang piling grupo.
Sa Open era, tanging sina Bjorn Borg, Pete Sampras at Roger Federer ang nakagawa ng ganitong sunod-sunod na dominasyon sa All England Club.JC
PPCRV: Halalan 2022 ‘clean, credible’

June 26, 2022 @12:00 PM
Views:
16