250 drug war death probe, ‘di magpapalakas sa human rights violation claims

250 drug war death probe, ‘di magpapalakas sa human rights violation claims

March 2, 2022 @ 3:35 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na ang hakbang ng Department of Justice na iendorso ang 250 kaso ng drug war deaths para imbestigahan ay hindi makapagpapalakas sa alegasyon ng human rights violations sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa halip, ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang bansa ay may mekanismo para sa pananagutan.

“No,” ang sagot ni Nograles nang tanungin sa press briefing kung ang endorsement ng 250 cases of deaths na nanggaling mula sa anti-illegal drugs operations sa Central Luzon ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) ay makapagpapalakas sa alegasyon ng human rights violations laban sa administrasyong Duterte.

“What it shows very clearly is that there is a mechanism for accountability that is working here in our country, in our jurisdiction,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Sa 49th Session ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), sinabi ni Guevarra na handa na ang Department of Justice na iendorso ang 250 kaso para imbestigahan.

Kasalukuyan din aniyang naghahanda ang NBI para sa lima pang reklamo para masimulan na ang prosecution process laban sa mga nagkamaling law enforcement officers.

Binigyang diin ni Nograles na hindi kailanman kukunsintihin ng administrasyon ang anumang pang-aabuso ng kahit na sinumang opisyal o manggagawa ng pamahalaan.

At kung mayroon man aniyang pang-aabuso ay “we will prosecute and deal with these abuses and those who are abusing their authority with the fullest extent of the law,” sabay sabing “mechanisms are working in this country that afford and ensure that justice is served.”

Giit pa ni Guevarra sa idinaos na UN engagement ang determinasyon ng Philippine justice at law enforcement institutions na panatilihin ang paggalang sa human rights at bigyan ng karampatang pananagutan ang mga nagkasala o lumabag sa batas.

Binigyang diin pa rin ng Kalihim na “the line drawn by the government between parties that engage in good faith and those that abuse and exploit these mechanisms to make demands of accountability with little or no factual basis.”

Tiniyak din ng DoJ na “the country’s commitment and positive engagements will remain unaffected” sa nalalapit na halalan sa Mayo. Kris Jose