2,500 new COVID cases, naitala sa PH mula Marso 24-30

2,500 new COVID cases, naitala sa PH mula Marso 24-30

April 1, 2022 @ 6:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 2,500 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bans amula Marso 24 hanggang 30, 2022.

Dahil dito, aabot na sa 3,677,924 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng sakit sa bansa pero 40,412 na lamang dito ang nananatiling aktibo.

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa bilang active cases, 38,989 ang asymptomatic, mild, at moderate habang 1,423 cases ang severe o kritikal.

Samantala, pumalo na sa 59,125 ang kabuuang bilang ng nasawi.

“Nakikita po natin ang pagbaba ng bilang ng mga kaso na nasa 24% noong nakaraang linggo at tinatayang nasa 364 cases per day ngayong linggo,” saad ni Vergeire.

“Mabagal na po ang pagbaba dahil una sa lahat, mababa na po ang ating mga kaso sa iba’t ibang lugar sa ating mga bansa,” dagdag niya.

Aniya pa, naobserbahan nila ang pagbaba ng mga kaso sa lahat ng isla sa buong bansa. RNT/ JCM