255% sirit sa COVID sa S. Africa naitala, pero 6% lang ng ICU beds, okupado – WHO

255% sirit sa COVID sa S. Africa naitala, pero 6% lang ng ICU beds, okupado – WHO

December 10, 2021 @ 8:25 AM 10 months ago


SOUTH Africa – Kasalukuyang nararanasan na ang ikaapat na bugso ng COVID-19 pandemic sa rehiyon bunsod ng Omicron variant, na sinasabing mas nakahahawa at ikinokonsiderang ‘variant of conccern’ ng World Health Organization.

Sa kabila nito, sinabi ni WHO Africa official Thierno Balde na kahit na muling tumataas ang COVID-19 cases ay mababa naman ang bilang ng mga pasyenteng naidadala sa intensive care unit.

Base sa datos, ang COVID-19 cases sa South Africa ay bumulusok ng 255% sa loob lang ng pitong araw, pero nasa 6% lang ang nagagamit sa ICU beds, ani Balde.

Ang komento ng WHO official ay kasunod ng nauna nang sinasabi ng mga siyentipiko at ilang South African doctors na ang Omicron variant ay nakapagdudulot ng mild cases. RNT