2,578 bagong COVID cases naitala; aktibong kaso 18,990 na

2,578 bagong COVID cases naitala; aktibong kaso 18,990 na

July 17, 2022 @ 10:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 2,578 na bagong kaso ng COVID-19 infections nitong Sabado, ang pinakamataas na daily tally simula Pebrero.

Dahil sa mga bagong impeksyon, umabot na sa 3,730,545 ang caseload ng bansa, ayon sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH).

Iniulat ng DOH na ang aktibong impeksyon ay tumaas din sa 18,990 mula sa 18,090 noong Biyernes.

Habang ang aktibong kaso ay umakyat sa 18,990 mula 18,090 noong Biyernes.

Samantala, ang National Capital Region (NCR), nakapagtala ng 9,294 bagong kaso sa nagdaang dalawang linggo na sinundan ng Calabarzon na may 5,057, Central Luzon na may 2,092, Western Visayas na mayroong 2,055, at Central Visayas sa bilang na 863.

Higit pang mga pasyente ang naka-recover mula sa viral disease na nagdala ng recovery tally sa 3,650,914, habang ang bilang ng mga namatay ay nanatili sa 60,461.

Ang nationwide bed occupancy rate ay nasa 22.8%, habang ang bilang ng mga bed occupied ay 6,642, habang 22,530 ang bakante.

Nauna nang inanunsyo ng Malacañang na ang alert level na may ugnayan sa COVID-19 ay mananatiling epektibo mula July 16 hanggang Lunes kung kailan susuriin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang usapin. Jocelyn Tabangcura-Domenden