26.2K barangay ‘drug-cleared’ na – PNP

26.2K barangay ‘drug-cleared’ na – PNP

November 22, 2022 @ 3:00 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- May kabuuang 26,200 barangay sa buong bansa ang idineklarang “cleared” na sa iligal na droga sa ilalim ng whole-of-nation approach sa Barangay Drug Clearing Program, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Batay sa pinakabagong datos, sinabi ng PNP na kumakatawan ito sa 74 porsyento ng kabuuang 35,356 barangay na natukoy na drug-affected.

Pinuri ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang pagsisikap ng mga ahensya ng pamahalaan para matupad ang hangaring ito.

Sinabi niya na mula July 1 hanggang Nov. 1, 2022, 403 pang barangay ang idineklarang drug cleared ng Regional Oversight Committees.

Sa 35,356 drug-affected barangays, 17,079 ang natukoy na slightly affected, 17,860 bilang moderately affected at 417 ang seriously affected.

Ang Cagayan Valley ang may pinakamataas na naitalang bilang ng drug-cleared barangays na may 94.41 porsyento, na sinundan ng Cordillera Administrative Region sa 94.36 porsyento, Mimaropa sa 93.95 porsyento, Eastern Visayas sa 93.09 porsyento, at Soccsksargen sa 88.25 porsyento.

Itinuturing ang barangay na “affected” kung may presensya ng Person Who Used Drugs (PWUDs); moderately affected kung may presensya ng drug pushers at Person Who Used Drugs (PWUDs); at seriously affected kung mayroong presensya ng mga sumusunod: clandestine drug laboratory, warehouse, marijuana plantation, and drug den/”tiangge”, drug trafficking or smuggling activities, and drug personalities such as users, pushers, financiers, protectors, cultivators, at manufacturers.

“The PNP in coordination and partnership with the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the Department of the Interior and Local Government (DILG) along with Local Government Units (LGUs), other government agencies and stakeholders in the community remain committed to clear the remaining 9,112 or 25.77 percent barangays in the coming years,” ani Azurin.

Ang drug-cleared status ay alinsunod sa certification of members ng oversight committee sa Barangay Drug-Clearing Program (BDCP).

Sa ilalim ng BDCP, pinangangalagaan ng law enforcement agencies ang supply reduction efforts upang puksain ang manufacture at distribution ng dangerous drugs, habang tinututukan ng government agencies at LGUs focus ang demand at harm reduction strategies upang mapigilan ang mg tao sa paggamit ng illegal drugs, at repormahin ang drug offenders upang maging produktibong mamamayan ng komunidad.

“Rest assured that the entire police force is always ready to extend assistance during the implementation of intervention and rehabilitation programs for drug users in order to help them to become productive citizens again when they are re-integrated to the community,” sabi ni Azurin. RNT/SA