Manila, Philippines – Handang magbigay ng $26.5 milyong halaga ang United States bilang tulong sa law enforcement agencies ng Pilipinas sa susunod na dalawang taon para sa laban nito kontra terorismo.
Ayon sa embahada ng Estados Unidos, bibigyan nila ng sapat na kagamitan, tutulong sa training at susuporta sa tropa ng pamahalaan para sa mas malakas na pwersa ng mga tropa sa mga operasyon nito laban sa mga terorista.
“This support for non-military rule-of-law approaches to addressing terrorist threats will complement our sustained commitment to building the counterterrorism capabilities of the Armed Forces of the Philippines,”ayon sa Estados Unidos.
Sa ilalim ng Trum administration, nakapagbigay na ang US government ng hindi bababa sa P730 million bilang tulong at suporta sa Pilipinas para sa rehabilitasyon ng Marawi City na nasira nang okupahin at atakihin ng ISIS-inspired group na Maute noong nakaraang taon. (Remate News Team)