26 counties ng Florida nasa ’emergency’ dahil sa Tropical Storm Michael

26 counties ng Florida nasa ’emergency’ dahil sa Tropical Storm Michael

October 8, 2018 @ 5:38 PM 4 years ago


 

Florida – Nagdeklara na ng state of emergency sa 26 counties ang Florida sa paparating na Tropical Storm Michael.

Ayon kay Florida Gov. Rick Scott, ‘life-threatening’ at lubhang delikado ang naturang bagyo na posibleng maging hurricane pa.

“This storm will be life-threatening and extremely dangerous. Our state understands how serious tropical weather is and how devastating any hurricane or tropical storm can be,” aniya sa Emergency Operations Center briefing.

Dagdag pa nito, mahalaga na masiguro ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga komunidad, “As we continue to monitor this storm’s path toward Florida, it is critically important that our communities have every available resource to keep everyone safe.”

Habang papalapit ang TS Michael sa northern Gulf Coast ay posibleng maging hurricane ito ayon sa Florida Division of Emergency Management at posibleng maranasan na ang hagupit sa Miyerkules.

“You can not hide from storm surge, so get prepared and get out if evacuations are ordered,” babala pa ni Scott.

Nagpaalala naman si Scott sa mga taga-Florida na maging handa at manatiling nakatutok sa balita para maging updated sa galaw ng bagyo.

“Floridians also know just how quickly the path of a storm can change and that’s why we all must be vigilant and get prepared today. I encourage every Floridian to visit www.FloridaDisaster.org,” aniya. (Remate News Team)