26 katao arestado sa illegal gambling sa Caloocan

26 katao arestado sa illegal gambling sa Caloocan

December 16, 2021 @ 11:40 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang 26 katao, kabilang ang isang professional billiard player sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jose Basino, 38; Julius Molero, 30, online seller; Bubby Saludo, 36; Roel Esquillo, 58, professional billiard player; Gerry Gatchalian, 56; Eulegio Gamboa, 56; Nil Mirasol, 38; Andrew Gay Farrar, 35; Victor Michael Garcia, 36; Romeo Silvano, 35; Romel Bakeke, 35; Denny Nadal, 52; Brian Bucio, 37; Sherwin Sta. Maria, 35; Edwin Gamas, 30; Simplicio Rosales Jr., 46; Joseph Lingo, 43; Marlon Gemenez, 38;  Randy Magbanua, 49; Ronald Maigue, 29; Randy lopez, 40; Mark Jefferson Bernardo, 33; Lee Gabriel Moral, 36; Christopher Ramos, 46; Dominador Zuñiga, 63; at Antonio Libre, 58.

Sa report ni PSSg Paul Colasito kay Northern Police District (NPD) PBGEN Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Jay Dimaandal ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa nagaganap na illegal gambling game na kilala bilang “Billiard/Poker” sa Austria St., corner Bustamante St., Brgy. 88, Caloocan.

Agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni PLT Melito Pabon, kasama ang mga tauhan ng Caloocan police saka nagtungo sa naturang lugar upang alamin ang naturang ulat.

Pagdating sa lugar dakong ala-1:40 ng madaling araw, nakita ng mga pulis ang mga suspek na tumataya at naglalaro ng naturang illegal na sugal na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

Nakumpiska ng mga pulis ang apat na Cue Stick, 2 Tiririt, 2 box ng Cue Ball, 2 Triangle Set, 1 deck ng playing card at P17,000 pot money.

Nahaharap ang mga nadakip sa kasong paglabag sa PD 1602 Illegal Gambling Game locally known as (Billiard/Poker). (Boysan Buenaventura)