26 patay sa banggaan ng tren sa Greece

26 patay sa banggaan ng tren sa Greece

March 1, 2023 @ 1:39 PM 3 weeks ago


GREECE – Patay ang 26 katao at sugatan naman ang nasa 85 iba pa matapos magbanggaan ang dalawang tren sa Greece nitong Martes ng gabi, Pebrero 28.

Sa impormasyon, bumibyahe ang isang intercity passenger train mula sa Athens patungong Thessaloniki nang makabanggaan ang isa namang cargo train malapit sa siyudad ng Larissa sa central Greece, ayon sa gobernador ng Thessaly region.

“The collision was very strong,” pahayag ni governor Konstantinos Agorastos sa panayam ng SKAI TV, sabay-sabing apat na bagon pa ng passenger train ang nadiskaril.

Ani Agorastos, ang unang dalawang bagon ay nasunog matapos ang banggaan.

Nailikas naman ang nasa 250 iba pang pasahero sakay ng mga bus.

“There was panic in the carriage, people were screaming,” sinabi ng isa sa mga sakay ng tren sa panayam ng SKAI TV.

“It was like an earthquake,” ani Angelos Tsiamouras, isa ring pasahero.

“The evacuation of passengers is under way in very difficult conditions given the severity of the collision of the two trains,” pagbabahagi naman ni fire brigade spokesperson Vassilis Varthakogiannis sa isang televised address.

Sa impormasyon, ang naturang passenger train ay may sakay na 350 katao na umalis sa Athens bandang 7:30 ng gabi, oras sa Greece. RNT/JGC