26 taong nakaiwas sa batas, himas-rehas

26 taong nakaiwas sa batas, himas-rehas

February 19, 2022 @ 3:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang kinahantungan ng isang 72-anyos na lolo makaraan ang mahigit sa dalawa at kalahating dekada ng paglihis nito di-umano sa batas para sa kasong Rape, sa Barangay San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija kagabi, Pebrero 18.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Alexie A. Desamito, hepe ng Gapan City Police Station, kay Nueva Ecija director, P/Col. Jess Mendez, kinilala ang suspek na si Romulo Garcia alias Mulong, residente ng Barangay San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon sa pulisya, ganap na 8:30  kagabi ng tuluyan ng masakote ang umanoy suspek sa panghahalay sa isang minor na nagngangalang Rosemary noong November 9, 1996 sa Sitio Kiling Barangay Calipkip, Alfonsolista, Ifugao.

Si Mulong ay naaresto sa ikinasang manhunt operation nang pinagsanib pwersang grupo ng RIU3 (lead unit), PIT Ifugao, RIU14, Gapan City PS, Nueva Ecija PPO at 22nd SAB 2SAC sa bisa ng warrant of arrest sa di-umanoy kasong Rape na may Criminal Case Number 153-97 and 154-97 na inisyu ng korte sa Regional Trial Court (RTC) Branch 15, Alfonsolista, Ifugao noong May 13, 2009 at walang piyansa para dito.

Sinabi ni Desamito na address ng suspek sa isinilbing warrant dito ay Roxas, Isabela.  At itinatanggi umano ng suspek na siya ay napunta ng Ifugao ng mga panahon na iyon.

Sinusubukan ng makontak ang biktima upang ma-identify ang suspek, dagdag pa ni Desamito.

Napag-alaman din na ang suspek ay nakatala sa pulisya bilang National Most Wanted Person na may monetaryreward na P90,000.00.

Pansamantala, ang suspek ay nasa kustodiya ng Gapan City Police Station. Elsa Navallo