2,673 pang bagong kaso ng COVID naitala; 73 nasawi, 539 gumaling

2,673 pang bagong kaso ng COVID naitala; 73 nasawi, 539 gumaling

October 17, 2020 @ 4:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umakyat na sa 354,338 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), batay sa Department of Health (DOH) makaraang maitala ang karagdagang 2,673 sa datos.

Dagdag pa rito ang 539 na nakarekober na ngayon ay 295,312 na habang nadagdagan naman ng 73 ang nasawi kung kaya’t umabot ito sa 6,603.

Sa ulat ng mga nasawi, 49 ang naitala noong Oktubre; tatlo noong Setyembre; 18 noong Agosto; dalawa noong Hulyo at isa noong Mayo.

Samantala, patuloy namang binabantayan ang 52,423 aktibong kaso na kasalukuyang ginagamot at nasa ilalim ng quarantine.

84.7 percent dito ang mild; 11 percent ang asymptomatic; 1.5 percent ang severe at 2.9 percent ang nasa kritikal na kondisyon.

Habang 14 laboratoryo naman ang nagsumite ng kani-kanilang mga report. Jocelyn Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...