2,689 election returns na-encode na ng PPCRV

2,689 election returns na-encode na ng PPCRV

May 10, 2022 @ 5:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting nitong Martes na sa kasalukuyan ay na-encode na nito ang 2,689 election returns para sa Halalan 2022.

“We have received 2,689 election returns. These are from the diocese of Archdiocese of Manila, Cubao as well as Novaliches,” ani PPCRV board member Agnes Gervacio sa press briefing.

Inaasahang darating ngayong Martes ang election returns mula sa iba pang polling places.

Ani Gervacio, papasok sa poll monitor ang election returns mula sa Caloocan, Malabon, Navotas at Pasig, at mula sa mga probinsya ng Sorsogon, Cavite, Rizal at Batangas sa Luzon.

Ipapadala rin sa command center ng PPCRV ang election returns galing Negros Occidental, Cebu at Iloilo sa Visayas at Cagayan de Oro sa Mindanao, aniya pa.

“Hindi kami nakikipag-compete sa media. We are about accuracy,” ayon naman kay PPCRV legal counsel spokesperson, Atty. Vann Dela Cruz. 

Ang  PPCRV, na accredited citizens’ arm ng Commission on Elections, ang fourth copy ng election returns mula sa clustered precincts sa bansa. RNT/SA