27-anyos na FilAm binaril ng asawa sa harap mismo ng 2 anak

27-anyos na FilAm binaril ng asawa sa harap mismo ng 2 anak

March 12, 2023 @ 9:25 AM 2 weeks ago


DALY CITY, California – Isang 27-anyos na Filipino-American ang namatay noong Marso 6 sa Daly City, California matapos umanong barilin ng kanyang kinakasama sa harap pa mismo ng kanilang dalawang paslit na anak.

Kinilala ang biktima na si Frances Kendra Lucero na nagtamo ng apat na tama ng bala matapos pagbabarilin umano ng kinakasamang si Romier Narag, 27.

Ayon sa imbestigasyon ng Daly City Police Department, nagkaroon ng mainit na usapan ang dalawa habang pauwi mula sa family dinner noong Marso 6. Nagalit umano ang suspek at bumunot ng kanyang 9-mm na baril at pinagbabaril ang biktima.

Ligtas naman ang dalawang bata na kasalukuyang kinupkop ng pamilya ng biktima.

Agad namang naaresto ng pulisya ang suspek at dinala sa San Mateo County Jail habang inihahanda na ang kaso laban dito. RNT