27 patay sa quarantine bus crash sa Tsina

27 patay sa quarantine bus crash sa Tsina

September 19, 2022 @ 9:24 AM 7 days ago


BEIJING — Patay ang 27 indibidwal na patungo sana sa isang COVID-19 quarantine facility nang mabangga ang sinasakyang bus sa southwest China nitong Linggo, ayon sa local authorities, sa deadliest road accident sa bansa ngayong taon.

Naganap ang insidente sa isang highway sa rural Guizhou province nang bumaligtad ang sasakyan sakay ang 47 tao, ayon sa Sandu county police.

Ginagamot ang 27 indibidwal na nasugatan at nagpadala agad ng emergency responders sa Qiannan prefecture, base sa mga pulis.

Kinumpirma naman ng Guizhou government nito ring Linggo na ang bus ay naghahatid ng “people linked to the epidemic to quarantine” mula sa provincial capital ng Guiyang, at naganap ang aksidente alas-2:40 ng madaling araw (1840 GMT).

“At present, on-site rescue work is basically completed, the treatment of the injured and aftercare of the deceased are being carried out in an orderly manner, and the cause of the accident is under investigation,” pahayag ng local governme sa social media.

Hindi pa malinaw kung nasapul ng COVID ang mga pasahero, close contacts,o naninirahan sa parehong gusali kasama ang virus patients. RNT/SA