2,702 bagong kaso ng COVID, naitala

2,702 bagong kaso ng COVID, naitala

September 23, 2022 @ 9:54 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 daily tally ang Department of Health makaraang makapagtala ng 2,702 bagong kaso ng sakit nitong Huwebes, Setyembre 22.

Dahil dito ay umakyat na sa kabuoang bilang na 3,929,819 ang nationwide total caseload ng sakit.

Nangyari ito pagkatapos ng dalawang araw na sunod-sunod na wala pang 2,000 araw-araw na naiulat na mga kaso ng COVID-19.

Ang tally ng mga aktibong kaso ay umakyat sa 28,030 mula sa 27,284 noong Miyerkules.

Ang National Capital Region (NCR) ay nanatiling nangungunang rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 12,475 na kaso ang naiulat.

Sinundan ito ng CALABARZON na may 4,388, Central Luzon na may 2,456, Davao Region na may 1,279, at Western Visayas na may 913.

Sinabi ng DOH na tumaas din ang recovery tally sa 3,839,094 na may 1,915 na bagong recoveries.

Umakyat naman sa 62,695 ang nasawi na may 38 bagong nadagdag.

Ang DOH gayunpaman, ay nagsabi na ang bed occupancy ng bansa ay bahagyang nabawasan sa 26.8%, kung saan 7,691 na mga kama ang okupado habang 20,992 ang bakante noong Martes, Setyembre 20.

Idinagdag nito na hindi bababa sa 19,337 na indibidwal ang nasuri, habang 336 na testing lab ang nagsumite ng data noong Miyerkules, Setyembre 21. Jocelyn Tabangcura-Domenden