2,730 COVID cases naitala sa Araw ng mga Puso

2,730 COVID cases naitala sa Araw ng mga Puso

February 14, 2022 @ 4:05 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 2,730 na lamang ang naitalang bagong kaso ngayong Lunes, Pebrero 14.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Sa recoveries, nakapagtala naman ng 7,456 at 164 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa na pumalo na sa 3,639,942; ang pangkalahatang gumaling na sa sakit ay umabot na sa 3,508,239 habang 55,094 ang namatay.

Bumaba naman ang aktibong kaso sa 76,609.

Nanguna pa rin sa may maraming naitalang kaso sa bansa ang NCR , Region 4-A at Region 7.

Ang 86 mula sa 164 na naiatalang namatay  ay naganap naman ngayong February, habang ang iba pa ang nangyari sa nagdaan pang mga buwan. Jocelyn Domenden Tabangcura