2,750 AstraZeneca vax napanis sa Zambo

2,750 AstraZeneca vax napanis sa Zambo

December 15, 2021 @ 7:56 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Napanis ang nasa 2,750 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na ipinakalat sa Zamboanga Peninsula (Region 9).

Iniulat ni Dr. Mary Germalyn Punzalan, Department of Health-9 (DOH-9) medical officer, Martes, na napanis ang mga bakuna dahil nabigong maiturok ito ng tumanggap na local government units (LGUs).

Hindi naman isiniwalat ni Punzalan ang nasabing mga LGU.

Ang nasabing mga bakuna ay idiniliber noong Oktubre at nakatakdang mapanis ng Nobyembre 30.

Ani Punzalan na ang nasabing mga bakuna na nasa LGU pa ay nakatakdang ibalik sa DOH-9, at ibabalik sa DOH central office.

Sinabi naman ni Dr. Joshua Brillantes, DOH regional director, na ang nasabing mga LGI ay pinagsusumite ng paliwanag kung bakit hindi nagamit ang mga bakuna. RNT