28 firms para sa COVID vaccine storage, kinakausap na – Dizon

28 firms para sa COVID vaccine storage, kinakausap na – Dizon

January 19, 2021 @ 6:59 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa 28 kompanya na may cold chain facilities para sa pag-iimbak ng COVID-19 vaccines, batay kay Deputy Chief Implementer at testing czar Vince Dizon ng National Task Force.

 “Nasa very advanced stage na po ang ating negotiations [with these companies] kaya makakapag-inspect na po ang ating vaccine czar (Carlito Galvez, Jr.), ang ating Secretary of Health (Francisco Duque III) at iba pong miyembro ng Task Force simula bukas,” ani Dizon.

Kasama na rito ang Orca, Royal Cargo, Maersk Shipping, Zuellig Pharma, SMX Convention Center, Cebu Pacific, at iba pa.

“Nakikipag-coordinate [rin] tayo sa [pharmaceutical companies na] Unilab, Zuellig para sa tamang pag-transport at paghandle ng mga bakuna.”

“Nagkaroon [na rin] tayo ng meeting with LGUs, private sector…sila ay naghahanda [na] na paano ipepreserve ang mga bakuna,” punto naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •