28 fixers naaresto, 3 nakakulong na – ARTA

28 fixers naaresto, 3 nakakulong na – ARTA

October 6, 2022 @ 5:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Anti-Red Tape Authority o ARTA nitong Huwebes na may kabuuang 28 fixers ang naaresto habang tatlo ang nakulong hanggang Setyembre 2022.

Sa Senate hearing sa budget ng ahensya para sa 2023, inaihayag ni ARTA officer-in-charge Undersecretary Ernesto Perez na 21 entrapment operations ang ikinasa.

“For the case handling, we have set up 21 entrapment operations. Twenty-eight fixers were apprehended and three were already convicted for violation of the anti-fixing law as mandated in the law ,” paglalahad niya.

Base pa sa kanya,  74 kaso na kinabibilangan ng 567 counts of violation have ang naihain sa Office of the Ombudsman at sa Civil Service Commission. RNT/SA