28 pang lugar itinaas sa Alert Level 3 – IATF

28 pang lugar itinaas sa Alert Level 3 – IATF

January 12, 2022 @ 7:11 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Itinaas ng  Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Miyerkules, Enero 12, 2022, ang 28 lugar kasama na ang lalawigan at lungsod sa Alert Level 3.

Magiging epektibo ito, araw ng Biyernes, Enero  14, 2022 hanggang Enero  31, 2022.

Ang mga lalawigan sa  Luzon na isinailalim sa Alert Level 3 ay ang Benguet, Kalinga at Abra sa Cordillera Administrative Region; La Union, Ilocos Norte at Pangasinan sa Region 1; Nueva Vizcaya, Isabela at Quirino sa Region 2; Nueva Ecija at Tarlac sa Region 3; Quezon Province sa Region 4-A; Occidental Mindoro at Oriental Mindoro sa Region 4-B; at Camarines Sur at Albay sa Region 5 sa Luzon.

Sa Visayas naman, ang mga lugar na isinailalim sa Alert Level 3 ay ang Bacolod City, Aklan, Capiz at Antique sa Region 6; Cebu City at Mandaue City sa Region 7; at Tacloban City sa Region 8.

Habang sa  Mindanao naman, ang mga lugar na isinailalim sa Alert Level 3 ay ang Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; Butuan City at Agusan del Sur sa CARAGA; at Cotabato City sa BARMM.

Ang lahat ng iba pang lalawigan at lungsod na hindi nabanggit ay mananatili  sa ilalim ng kasalukuyang alert  level classification. Kris Jose