28 poll-related incidents mula Enero 9 ‘gang Abril 17 naitala ng PNP

28 poll-related incidents mula Enero 9 ‘gang Abril 17 naitala ng PNP

April 21, 2022 @ 5:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na nakapagtala ito ng 28 election-related incidents mula Enero 9 hanggang Abril 17.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na sa 28 election-related incidents (ERI), 21 ang naberipika na walang kinalaman sa eleksyon, habang lima naman ang konektado sa halalan na naganap sa Regions 1 (Ilocos Region), 3 (Central Luzon), 9 (Zamboanga Peninsula), 10 (Northern Mindanao) at Cordillera region, at dalawang insidente ang iniimbestigahan pa kung election-related.

Ani Fajardo, nag-deploy na ang PNP at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hang kanilang mga tauhan sa mga naturang rehiyon upangf masiguro ang maayos at payapang halalan sa Mayo 9. RNT/SA