282 pobre sa P’que bibigyan ng lupa
December 13, 2022 @ 11:43 AM
2 months ago
Views: 122
Remate Online2022-12-13T10:33:49+08:00
MANILA, Philippines – Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MoA) si Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez para sa pagbili ng lokal na pamahalaan ng lupain sa halagang P67 milyon na ipamamahagi sa 282 mahihirap na pamilya sa Barangay Sto. Niño sa lungsod.
Sinabi ni Olivarez na ang pagbili ng ari-ariang may sukat na 4,772 metro kwadrado sa 1st Street Village Extension sa Barangay Sto. Niño ay bahagi ng programang murang pabahay ng lokal na pamahalaan upang bigyan ng pagkakataon ang mga residenteng magkaroon ng kanilang pinapangarap na sariling bahay at lupa.
“Makikinabang ang 282 pamilya sa pagbili natin ng lupaing ito, na babayaran nila ito sa loob ng 30 taon sa pamamagitan ng buwanang hulog na wala pang isanlibong piso bawat buwan,” ani Olivarez sa flag ceremony.
Matatandaan na nauna nang aprubahan ng Sangguniang Panglungsod ang pagbili ng nabanggit na lupa kung saan kabilang sa mga lumagda sa MoA ang may-ari ng lupa gayundin ang mga opisyal ng 1st Street Village Extension Neighborhood Association (1SVENA).
“Pagkatapos nating maibigay sa mga residente ng lugar ang kani-kanilang titulo, hindi na sila magiging neighborhood association at sa halip ay magiging homeowners’ association na ang grupo nila,” ani pa Olivarez.
Dagdag pa ni Olivarez na ang lokal na pamahalaan ay mayroon nang ipinatutupad na programa tungkol sa pagbili at pamamahagi ng lupain sa mga maralita sa lungsod sa pamamagitan ng Local Housing Development Office (LHDO) at ng Urban Mission Areas Development Office (UMADO) na katuwang ang Social Housing Finance Corporation (SHFC).
Nasimulan ang pagbili ng mga ari-arian para sa socialized housing projects noong panahon ni dating Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez na ngayon ay representante na ng Unang Distrito ng lungsod. James I. Catapusan
January 27, 2023 @6:51 PM
Views: 3
MANILA, Philippines – “I am ready.”
Ito ang sinabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Biyernes, Enero 27 makaraang ianunsyo ng International Criminal Court na magpapatuloy na ang imbestigasyon sa brutal na drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan namuno ito sa Pambansang Pulisya nang panahong iyon.
“I have no more fears. You can go ahead whatever you want. I am ready. Whatever happens, my life, my future is dependent to the decision of this government,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng ANC.
Anang Senador, inasahan niya na na magpapatuloy ang imbestigasyon para rito.
“If the Philippine government would cooperate, then I am a part of the Philippine government, so I will cooperate,” sinabi pa ng Senador.
Kung ipatatawag siya ng ICC pre-trial chamber o kaya naman ay magbibigay ng warrant of arrest, sinabi ni Dela Rosa na tatanggapin niya ito.
“Kung magkakaroon ako ng warrant, sabihin ng Philippine government, ‘Okay, i-surrender natin si Bato dun sa International Criminal Court. Ipakulong natin ito sa The Hague.’ Anong magagawa ko? That’s the government’s decision,” aniya.
“Kahit na magtatago ka, if you are wanted by the Philippine government, there’s no way you can hide. Kilalang-kilala ako kaya hindi ako puwede makapagtago,” dagdag niya. RNT/JGC
January 27, 2023 @6:38 PM
Views: 5
MANILA, Philippines – Idineklara ng Supreme Court na legal at naaayon sa konstitusyon ang Republic Act No. 10963, o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN Law).
Sa desisyon ng SC en banc, ibinasura ang mga petisyon ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio at Laban Konsyumer, Inc.
Una nang iginiit ng mga petitioner na labag sa batas ang TRAIN Law dahil bukod sa naisabatas ito kahit kulang sa quorum ang House of Representatives, maituturing din na prohibited regressive taxes ang probisyon na nagpapataw ng excise taxes sa diesel, coal, liquefied petroleum gas, at kerosene.
Ipinunto rin ng petitioners na ang excise taxes ay hindi pabor sa mahihirap at nilalabag ang right to due process at equal protection of laws ng mamamayan.
Gayunman, sinabi ng korte na nabigo ang mga petitioner na patunayan na ang probisyon sa TRAIN Law ay “anti-poor” at maituturing na haka-haka lamang.
Lumabas din sa official Journal ng House of Representatives na may quorum nang ipasa ang TRAIN Law.
Labing-tatlong mahistrado ang bumoto para ibasura ang petisyon, isa ang tumutol habang isa ang hindi nakibahagi. Teresa Tavares
January 27, 2023 @6:25 PM
Views: 13
MANILA, Philippines – Natagpuan habang palutang-lutang sa Manila Bay sakop ng Manila Harbor Complex ang dalawang ulo at kaliwa’t kanang paa nitong Biyernes ng umaga, Enero 27.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, alas-9 ng umaga nang madiskubre ang palutang-lutang na kulay puting sako sa nasabing baybayin.
Hinihinala ng pulisya na itinapon sa ibang lugar ang mga biktima at napadpad lamang sa Manila Bay.
Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay nito upang malaman ang totoong nangyari sa mga biktima.
Pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue habang patuloy na inaalam kung nasaan ang iba pang parte ng katawan ng dalawang biktima na wala pang pagkakakilanlan dahil nasa state of decomposition na nang sila ay matagpuan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
January 27, 2023 @6:12 PM
Views: 11
MANILA, Philippines – Ipinadala ng Philippine Coast Guard ang BRP Cabra (MRRV-4409) upang iligtas ang pitong Chinese crew sakay ng isang fishing vessel sa baybaying sakop ng Suluan Island, Guiuan, Eastern Samar, ngayong Byernes, Enero 27.
Ayon sa PCG, nakatanggap ito ng ulat kaugnay sa Chinese fishing vessel na FV KAI DA 899 na nasiraan.
Agad namang sinaklolohan ng PCG ang dayuhang barko, at ipinadala ang BRP Cabra (MRRV-4409) upang magsagawa ng search and rescue operation.
Matapos matiyak na ligtas ang mga crew at matiyak na lahat ay nasa maayos na kondisyon ay saka hinatak ang FV KAI DA 899 payungong Tacloban Port. Jocelyn Tabangcura-Domenden
January 27, 2023 @5:59 PM
Views: 13
MANILA, Philippines – Nagpahayag nang labis na kasiyahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 7.6 % annual growth ng Pilipinas para sa taong 2022.
Binigyang diin ng Pangulo na ang major thrust ng kanyang administrasyon ay ang makapanghikayat ng foreign investments para mapanatili ang growth rate at development ng bansa.
“We are happy to receive the news that our growth rate for the year 2022 exceeded all expectations even by the estimates of the international financing institutions and we are holding at 7.6 percent,” ayon sa Pangulo sa isang kalatas.
“However, for 2023, we still have the problem of inflation which means there is still a problem of certain sectors of society and of the economy, [who] have yet to enjoy the benefits of that growth. And that’s why inflation is something that we are attending to,” dagdag na wika ng Pangulo.
Umaasa naman ang kanyang administrasyon na sa pagtatapos ng 2nd quarter, ang inflation rates, lalo na para sa agricultural products ay bababa.
Kumpiyansa namang ipinahayag ng Punong Ehekutibo na ang inflation rate ay bababa ng 4% sa 3rd o 4th quarter ng taong kasalukuyan base na rin sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
“We must maintain, however, that growth rate and that is why it has become so important for us to go out and to attract investment into the Philippines because that is the only way for economic activity to increase and therefore to grow the economy,” ayon kay Pangulong Marcos.
“So I think that we are headed in the right direction. We still have some interventions that we will have to apply. But nonetheless, we are weathering the shocks on the international economic situation and we are starting to see that the economy is moving in the correct direction,” ang paliwanag ng Pangulo.
Nauna rito, iniulat naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang Pilipinas ay nakapagtala ng 7.6 percent full-year growth noong 2022, pinakamataas sa loob ng 46 taon simula ng makapagtala ang bansa ng 8.8% growth noong 1976.
“The Philippine Gross Domestic Product (GDP) posted a growth of 7.2 percent in the 4th quarter of 2022, resulting in a 7.6 percent full-year growth,” ayon sa report ng PSA.
Ayon sa PSA, kabilang sa main contributors sa 4th quarter 2022 growth ay ang wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles, 8.7 percent; financial and insurance activities, 9.8 percent; and manufacturing, 4.2 percent.”
“Among the major economic sectors, Industry and Services posted positive growths in the 4th quarter of 2022 with 4.8 percent and 9.8 percent, respectively,” ayon sa PSA.
“The industries which contributed the most to the annual growth were: wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles, 8.7 percent; Manufacturing, 5.0 percent; and Construction, 12.7 percent,” ayon pa rin sa PSA. Kris Jose