28,471 pang bagong kaso ng COVID naitala; 34 patay, 34,892 nakarekober

28,471 pang bagong kaso ng COVID naitala; 34 patay, 34,892 nakarekober

January 18, 2022 @ 4:05 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Bumaba na ang bagong kaso ng COVID -19  ngayon na naitala base sa huling case bulletin ng Department of Health (DOH).

Ngayong araw, umabot na lamang sa 28,471 ang bagong kaso, kung saan 27,735 ang iniulat sa nakalipas na 14 araw mula Enero 5 hanggang 18.

Nangunguna pa rin ang NCR sa may mataas na impeksyon na mayroong 9,887; Region 4A na may 6,671 at 2,970 na kaso naman sa Region 3.

Sa recoveries, nakapagtala ng 34,892 na bahagyang mataas din habang 34 lamang ang bagong pumanaw.

Sa kasalukuyan, sumampa na sa 3,270,758 ang kaso  ng COVID-19 sa bansa.

Umakyat na rin sa 2,933,338 ang recoveries at 52,962 na pumanaw.

Ang aktibong kaso ay pumalo na rin sa 284,458. Jocelyn Tabangcura-Domenden