2,883 bagong kaso ng COVID naitala

2,883 bagong kaso ng COVID naitala

October 14, 2022 @ 7:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Namonitor ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Oktubre 13 ang pagtaas ng COVID-19 daily tally na may 2,883 bagong kaso na naitala, habang ang aktibong impeksyon ay umakyat sa 25,293.

Ito ay isang pagtaas mula sa 1,623 bagong kaso ng COVID-19 na naitala noong Miyerkules pagkatapos ng dalawang araw na sunod-sunod na mas mababa sa 2,000 ang naiulat na arawang kaso ng sakit.

Sinabi ng DOH na tumaas din ang aktibong kaso mula sa 24,283 noong Miyerkules.

Sa mga bagong kaso ay tumaas din ang caseload ng bansa sa 3,975,884.

Ang National Capital Region (NCR) ay nanatiling nangungunang rehiyon na may pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may naiulat na 11,325 na impeksyon.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 5,429; Central Luzon na may 2,890; Davao Region na may 1,408; at Kanlurang Visayas na may 1,019.

Karagdagang 1,743 pasyente ang gumaling sa viral disease na nagdala ng recovery tally sa 3,887,188.

Samantala, hindi bababa sa 40 bagong nasawi ang naitala kung saan umakyat na ang bilang sa 63,403.

Sinabi ng DOH na bahagyang bumaba ang bed occupancy ng bansa sa 26.3%, kung saan 7,618 na kama ang okupado habang 21,324 ang bakante noong Martes, Oktubre 11.

May kabuuang 16,352 na indibidwal ang nasuri, habang 342 na testing laboratories ang nagsumite ng datos noong Miyerkules, Oktubre 12. Jocelyn Tabangcura-Domenden