289 dagdag-kaso ng COVID naitala

289 dagdag-kaso ng COVID naitala

December 28, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 289 na bagong impeksyon sa COVID-19, ang pinakamababang kabuuan para sa isang araw mula noong Hunyo 15 kung saan 256 na kaso ang naiulat.

Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), bumaba ang bilang ng mga aktibong kaso noong Martes sa 14,695 mula sa 15,472 noong Lunes.

Ang mga bagong kaso ay nagtulak din sa nationwide tally sa 4,062,511, ayon sa DOH.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) ang nanguna sa mga rehiyon na may pinakamaraming kaso na may 4,450, sinundan ng Calabarzon na may 1,985, Central Luzon na may 977, Western Visayas na may 522, at Cagayan Valley na may 412.

Sinabi ng DOH na tumaas ang recovery tally ng bansa sa 3,982,533, habang umabot sa 65,283 ang nasawi.

Ang bed occupancy sa bansa ay nasa 17.2%, na may 4,713 na kama, habang 22,712 ang bakante noong Linggo, Disyembre 25.

May kabuuang 7,952 indibidwal ang nasubok, habang 319 na testing lab ang isinumite noong Lunes, Disyembre 26. RNT