$28M-bidder ng Blue Origin rocket, ‘di natuloy sa space

$28M-bidder ng Blue Origin rocket, ‘di natuloy sa space

July 18, 2021 @ 4:53 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

US – Hindi nakaalis ang taong nagbayad ng $28 milyon para samahan si Jeff Bezos, founder at executive chairman ng Amazon, papunta sa kalawakan gamit ang pribadong rocket ng kompanya dahil umano’y ‘busy’ ito.

Ang $28 milyong halaga ay ang pinakamataas na bid para sa reservation seat sa Blue Origin rocket firm na in-auction noong nakaraang buwan.

Gayunpaman, ang 18 taong gulang na si Oliver Daemen na siya ring kauna-unahang kliyenteng nagbayad para sa kompanya ang papalit sa pwesto nito at ituturing na pinakabatang tao na nakarating sa kalawakan.

“I am super excited to experience zero-g and see the world from above,” pahayag ni Daemen.

Kasama nila ang 82 taong gulang at ang piloto na si Wally Funk na ituturing naman bilang pinakamatandang tao na nakarating sa kalawakan.

Pinag-usapan na rin nina Bezos at ng kanyang kapatid na silang apat ay sasakay sa New Shepard rocket na aalis sa Hulyo 20.

Tumanggi naman silang ihayag ang pangalan ng $28 million-bidder, at mananatili umano itong tago kahit pa dumating ang panahon para sa pag-alis ng rocket.

Bukod pa rito, napagdesisyunan rin umano ng mga ito na sumakay sa New Shepard rocket sa susunod na panahon.

“They have chosen to fly on a future New Shepard mission due to scheduling conflicts” tugon ng kumpanya.

Sa kabilang banda, inanunsyo rin ng Blue Origin na ang Club for the Future auction ay nagbahagi ng tig-$1 milyon sa 19 na organisasyon na nagsasagawa ng mga proyekto upang suportahan ang kinabukasan ng paninirahan at pagtatrabaho sa kalawakan.

“We thank the auction winner for their generous support of Club for the Future and are honored to welcome Oliver to fly with us on New Shepard,” pahayag ni Bob Smith, CEO ng Blue Origin.

“This marks the beginning of commercial operations for New Shepard, and Oliver represents a new generation of people who will help us build a road to space.” dagdag pa niya. RNT/Ethel Mangao -trainee


  •  
  •  
  •