28M Pinoy ‘di pa bakunado vs COVID

28M Pinoy ‘di pa bakunado vs COVID

January 11, 2022 @ 3:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Tinatayang 28 hanggang 30 milyong Pilipino ang hindi pa bakunado laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kabilang sa numerong ito ang tatlong milyong senior citizens o nasa edad na 60 pataas.

Dahil dito, umapela si Nograles sa publiko na magpabakuna na at mag- avail ng booster shot matapos ang tatlong buwan ng kanilang second dose para sa two-dose ng COVID-19 vaccine at dalawang buwan matapos ang one-dose Janssen vaccine.

“All vaccines work, regardless of the brand,”ayon kay Nograles.

“Why do we need the vaccine and the booster when we could still get infected with it after? The protection that the vaccines provide comes not just in the form of reducing the likelihood of infection but also risk of developing severe symptoms,” dagdag na pahayag nito.

Tinatayang mayrooong 52.8 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. Sa bilang na ito, mayroong 3.5 milyon ang nakakuha na ng kanilang booster shot.

Sa isang panayam, sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maaaring i-extend ng gobyerno ang pagbibigay ng primary doses ng COVID-19 vaccine ng hanggang fourth dose.

Tinukoy ang inihayag ng Vaccine Expert Panel, sinabi ni Galvez na maaaring kailanganin ng mga tao ang five doses ng bakuna kabilang na ang booster shot — para makamit ang full immunity laban sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, nagbibigay ang pamahalaan ng third doses sa mga senior citizens at immunocompromised individuals, habang ang booster shots naman ay ibinibigay sa mga kompleto na ang primary doses. Kris Jose