29 dumalo sa kasal, inambus, kinidnap

29 dumalo sa kasal, inambus, kinidnap

June 13, 2022 @ 6:16 PM 2 weeks ago


NIGERIA – 29 kataong dumalo ng masayang kasal ang nawawala makaraan silang ambusin at kidnapin sa Zamfara state.

Hindi pa malaman ang pagkakilanlan sa mga biktima, maging ang mga nagsagawa ng ambus at kidnapping.

Rumesponde na ang mga awtoridad at hinahabol na ang mga kidnaper subalit wala pang ulat kung nagtagumpay ang mga ito.

Ayon sa ulat, dumalo sa kasal ng isa nilang kasama ang mga biktima na halos negosyante ng mga cellphone sa palengke ng Gusau sa Zamfara.

Sa kanilang pag-uwin dito na hinarang ang kanilang mga sasakyan saka pinagbabaril.

Makaraan nito, itinakas ng mga kidnaper ang 29 biktima habang nakatakas ang ilan sa mga ito na nagsumbong sa mga awtoridad.

Simula nitong Enero, may 3,500 namatay sa mga pang-aambus o pagpatay sa nakaraang tatlong buwan habang higit dito ang mga kinikidnap for ransom.

Kasama sa mga pagpatay ang naganap sa Fransican Church sa Ondo State nitong nakaraang linggo na ikinamatay na umano’y nasa 80 kataong dumalo sa misa para sa araw ng Pentecostes. RNT