29 kaso ng extrajudicial killing, torture burado sa listahan ng DOJ

29 kaso ng extrajudicial killing, torture burado sa listahan ng DOJ

May 18, 2022 @ 12:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inalis na ng Department of Justice (DOJ) sa listahan ang 29 kaso ng extrajudicial killings at torture,  ayon kay Secretary Menardo Guevarra nitong Miyerkules.

“Those were very old cases where no witnesses could be found despite diligent efforts of our special investigation teams. And there were many cases where the complainants desisted from pressing charges,” pahayag ni Guevarra.

Aniya, marami sa mga kaso ang nauna sa Administrative Order No. 35.

Sa ilalim ng AO 35, binuo ang Inter-Agency Committee On Extra-Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture, and Other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security of Persons (IAC).

Ang pinakamatandang kaso ay noong 2002 pa umano base kay Guevarra.

Samantala, sinabi ni Guevarra said na iniimbestigahan na ng inter-agency special composite teams mula sa Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines, Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at Commission on Human Rights ang mga kaso. RNT/SA