29 pa patay sa COVID; aktibong kaso bumaba sa 17,123

29 pa patay sa COVID; aktibong kaso bumaba sa 17,123

November 6, 2022 @ 8:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 1,229 na bagong impeksyon ng COVID-19 noong Sabado, bagama’t bumaba ang aktibong tally sa 17,123 mula sa 18,085 noong Biyernes, ayon sa datos ng Department of Health.

Ito ay matapos ng apat na sunod na araw na may mas kaunti sa 1,000 bagong impeksyon.

Nasa 4,008,55 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa buong bansa mula nang umusbong ang pandemya.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong impeksyon na may 3,666.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 2,262 na kaso; Kanlurang Visayas na may 1,543; Central Luzon na may 1,298; at Central Visayas na may 922.

Tumaas ang recovery tally sa 3,927,187 matapos gumaling ang 2,165 na pasyente mula sa viral disease.

Ang bilang ng mga namatay sa bansa ay tumaas sa 64,240, na may 29 na bagong pagkamatay.

Noong Biyernes, ang national bed occupancy rate ay 24.5%, na may 6,963 occupied at 21,468 vacant bed.

May kabuuang 12,843 na indibidwal ang nasuri noong Biyernes, habang 334 na testing laboratories ang nagsumite ng data. RNT