15 lugar nasa Signal No. 1

April 17, 2021 @12:25 PM
Views:
7
Manila, Philippines – Umakyat na sa 15 ang lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 makaraang bahagyang lumakas ang bagyong Bising habang binabaybay ang patungo sa Philippine Sea, batay sa PAGASA.
Luzon
-
Sorsogon
-
Albay
-
the eastern portion of Camarines Sur (Siruma, Goa, Ocampo, Tigaon, Sagnay, Baao, Nabua, Bato, Iriga City, Buhi, Tinambac, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan)
-
Ticao Island
-
Catanduanes
Visayas
-
Northern Samar
-
Samar
-
Eastern Samar
-
Biliran
-
Leyte
-
Southern Leyte
-
Camotes Islands
Mindanao
-
Dinagat Islands
-
Surigao del Norte (including Siargao and Bucas Grande Islands)
-
Surigao del Sur
Namataan ang sentro ng bagyo sa 645 km silangan ng Maasin City, Southern leyte o 545 km silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang 185 km/h na hangin sa gitna at pagbugsong 230 km/h. RNT/FGDC
DA sa magsasaka: Maghanda na sa #BisingPH

April 17, 2021 @12:12 PM
Views:
17
Manila, Philippines – Hinikayat ang mga magsasaka sa Luzon at Visayas na anihin na ang kanilang mga tanim kung kakayanin upang maiwasang malugi dahil sa paparating na bagyong Bising.
“We therefore advise our farmers in Bicol and Eastern Visayas that may be affected by typhoon Bising to harvest their crops, whenever possible,” saad ni DA Sec. William Dar.
“We also urge fishermen near the typhoon’s path to take precautionary measures and refrain from fishing as conditions may worsen as ‘Bising’ nears.”
Sinabi ni DA Eastern Visayas Dir. Angel Enriquez na kasalukuyang may 125,000 hectares (ha) ng bigas ang nasa reproductive stage (62,972 ha) at nasa maturity stage naman ang 62,902 ha.
Inatasan na rin ang DA regional directors sa Eastern Visayas, Bicol, at Northern Mindanao na bantayan ang kani-kanilang regional disaster risk reduction and management teams na agad rumesponde. RNT/FGDC
Red tide itinaas sa 6 lugar

April 17, 2021 @12:00 PM
Views:
22
Manila, Philippines – Binalaan ang mga residente sa pagkain ng mga shellfish mula sa anim na lugar sa bansa dahil sa positibo ito sa paralytic shellfish poison (PSP).
Tinukoy rito ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay sa Siaton, Negros Oriental; coastal waters ng Calubian sa Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental; at Lianga Bay at coastal waters sa Hinatuan sa Surigao del Sur.
Samantala, ligtas namang kainin ang mga isda, posit, hipon, at alimasag ngunit kailangang hugasan mabuti bago lutuin.
Samantala, idineklara naman ang Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte na wala nang toxic. RNT/FGDC
Joke na kamukha ni Spox Roque si James Reid, epekto raw ng COVID-19!

April 17, 2021 @11:47 AM
Views:
30
Manila, Philippines – Obyus na isang malaking biro o joke lang ang Facebook post ni Presidential Spokesperson kamakailan ang paghahalintulad niya kay James Reid.
Kunwari ay may kausap siyang saleslady na pinagtanungan kung magkano ang salamin, pero reflection niya ang makikita roon na may hawig daw sa batang aktor.
Pero sa dulo ng post ni Roque ay may #KalmaLangAkoTo.
Hindi ‘yon nagustuhan ng mga netizens na nag-comment na nabuang na o higit pa raw sa nabuang ito. Kesyo epekto raw ng pagkakaroon ng COVID-19 ang halusinasyon nitong kamukha niya si James Reid.
Matatandaang laging sinasalag ni Roque ang ilang mga pahayag ni Pangulong Duterte dismissing them as jokes na hindi dapat sineseryoso.
In fairness to Roque, may karapatan din siyang magbiro lalo’t hindi naman nakakapanakit ang kanyang patawa. Ronnie Carrasco III
DILG wala pang reklamong korapsyon na natatanggap sa ECQ aid

April 17, 2021 @11:34 AM
Views:
28