29 phreatomagmatic burst, naitala sa Taal

29 phreatomagmatic burst, naitala sa Taal

October 22, 2022 @ 2:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Bulkang Taal ng aabot sa 29 na maliliit na phreatomagmatic burst sa nakalipas na 24 na oras.

Ito ang inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Sabado, Oktubre 22 kung saan may pagitan na isa hanggang limang minuto ang bawat pagputok.

Maliban dito, mayroon ding naitala na dalawang volcanic earthquakes sa kaparehong panahon.

Samantala, nitong Biyernes ay nakapagtala ng 6,702 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Taal at ang voluminous plumes ay naitala sa taas na 3,000 metro patungo sa direksyon ng kanluran, hilagang kanluran.

Ayon sa PHIVOLCS, nananatili ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal at mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone nito. RNT/JGC