29 sabungero huli sa 4 na tupadahan sa Nueva Ecija

29 sabungero huli sa 4 na tupadahan sa Nueva Ecija

January 17, 2022 @ 3:13 PM 7 months ago


Nueva Ecija – Nadakma ng pulisya ang may dalawampu’t siyam (29) na mananabong kabilang ang isang retiradong kernel ng Philippine Army sa isinagawang surpresang operasyon laban sa ilegal na tupada sa apat na magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong kamakalawa.

Sinabing apat na magkakahiwalay na pagsalakay laban sa ilegal na sabong ang isinagawa nitong Linggo ng hapon kung saan 15 mananabong ang nahuli sa Gapan City, walo sa bayan ng Aliaga, dalawa sa General Natividad at apat sa Cabiao, kung saan aabot sa kabuuang P6,790 na mga taya ang nakumpiska ng otoridad.

Kinilala naman ang mga nahuli na sina Mateo Rayo, retired Phil. Army colonel; Mario Valadad (operator), 64; Wilson Sugaton, 59; Reynante Rayo, 44; Ramon Adel, 69; Gerardo Ravela, 55; Reynaldo Rayo, 40; Juanito Manzon, 55; Alvin, Montemayor, 20; Emiliano Rayo, 74; Cornelio Rayo, 45; Deogracias Viray, 60; Jaime Tinio, 59; Alvin Marquez, 39; at Freddie Constantino, 47, pawang mga taga-Brgy. Pambuan, Gapan City.

Nakilala naman ang mga nahuli ng Aliaga Police na sina Renz Remalona, 40; Tirso Tinio, 46, Jay-Ar Bayan, 42, Teddy Bayan, 50, Santaiago Capili, 38, Willy Alfanta, 53, at Francis Bayan, 47, pawing mga taga-Brgy. Sto. Tomas, Aliaga, NE; at Marvin Ablaza, 29, ng Brgy. Poblacion West III ng nasabing bayan.

Tinukoy rin ang dalawang nahuli ng Gen. Natividad Police na sina Henry Lorenzo, 50, ng Brgy. Poblacion, Gen. Natividad; at si Rolly Elican, 49, Brgy. Balaring ng nasabing bayan. Habang ang mga nahuli ng Cabiao PNP ay nakilalang sina Celedonio Suayan, 58, Sandy Arras, 43, Gilbert de Duzman, 34, pawang ng Brgy. Concepcion; at Edwin Aguirre, 47, ng Brgy. San Gregorio.

Napag-alaman pa na nakarekober ang pulisya ng 13 buhay na manok, 6 patay na manok, mga tari, medical first aid at isang kolong-kolong na traysikel sa lugar ng operasyon.

Nahaharap ang nakakulong nang 29 suspek sa reklamong paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287 o Imposing Stiffer Penalty on Illegal Gambling. (Ver Sta. Ana)