$2B Durian export deal ng Pinas-Tsina nagsimula na

$2B Durian export deal ng Pinas-Tsina nagsimula na

February 24, 2023 @ 11:18 AM 1 month ago


MANILA – Ipadadala na ng Pilipinas ang paunang 7,500 metric tons ng durian sa China sa Marso, inihayag ng Malacañang.

Ang nakatakdang eksportasyon ng durian sa China ay iniulat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (DA-BPI) sa isang pulong sa Palasyo ng Malacañan, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil noong isang pahayag.

“In its (DA-PBM) presentation, the agency said there is an initial volume of 7,500 metric tons of durians ready to be sent to the Asian country, which will be sourced from 59 different farmers or producers covering some 400 hectares of production area,” dagdag pa sa ulat ni Garafil.

Kung matatandaan, ang state visit ni Marcos sa China noong Enero ay humantong sa paglagda ng USD2-bilyong fruit export deal sa pagitan ng Manila at Beijing para palakasin ang pag-import ng mga high-value na produktong agrikultural ng Pilipinas.

Ang kasunduan ay inaasahang magbubukas sa merkado ng China para sa tinatayang 50,000 metriko tonelada ng sariwang durian.

Sinabi naman ng DA na ang pag-export ng durian ay inaasahang bubuo ng hindi bababa sa 10,000 direkta at hindi direktang trabaho. RNT