2K AstraZeneca jabs ibinigay ng Makati sa Marikina LGU

2K AstraZeneca jabs ibinigay ng Makati sa Marikina LGU

May 13, 2022 @ 9:35 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang 2,000 doses ng kontra COVID-19 na AstraZeneca vaccines sa Lungsod ng Marikina na sumisimbolo ng patuloy ng magandang relasyon ng dalawang lungsod sa ilalim ng Sister Cities program.

Sa Facebook page ng Makati Public Information Office (PIO) ay ipinaskil ng lokal na pamahalaan ang mga larawan ng turnover ceremony kaugnay sa pamamahagi ng AstraZeneca vaccines na tinanggap ng mga opisyal ng Marikina City.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, nakahanda siya at ang lokal na pamahalaanna tumulong hindi lamang sa Marikina kabilang ang mga sister LGUs (local government units) upang mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga kosntituwente laban sa COVID-19.

Sinabi naman ni City Administrator Claro Certeza, ang Sister Cities program ng lungsod ay esensyal na aksyon hindi lamang para sa pag-unlad ng isang siyudad at makatulong sa mga karatig lungsod at probinsya kundi makatugon na rin sa kalamidad at pandemya na dulot ng COVID-19 gayundin upang mapatatag pa ang relasyon ng mga “sister cities.”

Base sa record ng International Relations Department ng lungsod nito lamang Enero 2022 ay sinabi pa ni Certeza na ang lungsod ay mayroong kabuuang 549 sister LGUs.

Sinabi pa ni Certeza na bukod sa 549 sister LGUs ay mayron din ang lungsod na 23 sisterhood ties sa mga banyagang lugnsod at munisipalidad kung saan ang karamihan sa mga ito ay nais-pormal noong kapanahunan ng administrasyon ng administrasyon n dating Vice President Jejomar Binay.

Noong kasagsagan ng pandemya ay nakapamahagi na rin ang lungsod ng 31,000 vaccines sa ilang sister cities upang mapaigting ang tugon ng pagsisikap laban sa COVID-19.

Idinagdag din ni Certeza na ang lungsod ay nakapagbigay na rin iba’t-ibang uri ng tulong sa kanilang mga sister cities sa buong bansa sa loob ng mga nakalipas na taon.

Ilan lamang sa mga ipinagkaloob na ayuda ng Makati ay ang pagpapadala ni Binay noong 2020 ng mga sasakyang pang-disaster response at kagamitan sa Bauan, Batangas na naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano; donasyong P17 milyon ng lungsod sa sister localities na kinabibilangan ng Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, at Northern Samar na naapektuhan ng Bagyong Tisoy noong Disyembre 2019; pamamahagi ng halagang P24 milyon financial aid sa mga LGUsa ng North Cotabato at Davao del Sur kabilang ang ilan pang probinsiya na naging biktima ng sunod-sunod na lindol; mga direktang naapektuhan ng bagyong Niña noong 2017 kung saan naging benepisyaryo ang 27 sister localities mula sa mga probinsya ng Quezon, Albay, Camarines Sur, Catanduanes at Marinduque na tumanggap ng halagang P15 million na financial assistance; P10 milyong donasyon noong 2008 sa 90 lokalidad na mga matinding dinaanan ng bagyong Frank; at iba pa.

NAgbigay naman ng garantiya si Binay na ipagpapatuloy ng Sister Cities program ang pagsisilbi sa publiko ay umaasa na kanila pang mapapalawak ang naturang programa sa iba’t-ibang lugar sa bansa. James I. Catapusan