2K Navoteño nakinabang sa cash for work program

2K Navoteño nakinabang sa cash for work program

October 1, 2022 @ 10:17 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nabigyan ng oportunidad ang 2,000 Navoteño matapos na maging benepisyaryo ang mga ito mula sa Cash for Work program katuwang ang Department of Social Welfare and Development at ang lokal na pamahalaan lungsod ng Navotas.

Tumanggap ang mga benepisyaryo ng P5,370 para sa 10 araw na trabaho mula Setyembre 12 hanggang 21, kasalukuyang taon at kabilang sa mga ginawa ng mga ito ang barangay cleanup, urban gardening, canal declogging at coastal cleanup.

“Many Navoteños still suffer from the economic impact of the pandemic, with some losing their livelihood due to rightsizing or business closure,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“Despite the decreasing number of COVID cases, it might take our economy a while to fully recover. Providing job opportunities is just one of the ways our city government extends assistance to its constituents in this challenging time,” dagdag ng alkalde.

Samantala, bukod sa Cash for Work ang Navotas ay nagbukas din ng slots para sa Tulong Panghanapbuhay Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), programa ng DSWD na konektado sa sa tanggapan ni Congressman Toby Tiangco.

Umabot naman sa 700 rehistradong Navoteño solo parents ang kasama rin sa nasabing programa. R.A Marquez