2M AstraZeneca doses para sa pribadong sektor dumating na

2M AstraZeneca doses para sa pribadong sektor dumating na

December 29, 2021 @ 5:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Nasa 1,981,500 karagdagang doses ng AstraZeneca coronavirus disease (COVID-19) vaccine na binili ng pribadong sektor ang dumating sa Maynila nitong Miyerkules.

Lumapag ang naturang doses arrived sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bandang alas-11 ng umaga.

Nauna na rito ang 2,005,300 doses ng AstraZeneca vaccine na tinanggap ng Pilipinas nitong Martes.

Sa pagdating ng last batch, makukumpleto ang 17 milyong doses ng AstraZeneca vaccine na binili sa pamamagitan ng tripartite agreement sa pagitan ng national government at vaccine manufacturers.

Samantala, 1,357,300 doses ng Moderna vaccines ang lumapag sa NAIA 1 kaninang alas-1:20 ng madaling araw. RNT/SA