2M dayuhang turista, target ng DOT ngayong taon

2M dayuhang turista, target ng DOT ngayong taon

October 22, 2022 @ 10:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Target ng Department of Tourism na paabutin sa dalawang milyon ang mga turistang dayuhan na bibisita sa bansa ngayong taon.

Ito ang sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco nitong Biyernes, Oktubre 21.

“The goal of course is to get it to the 2 million number. We’re doing the very best that we can para maging open na yung Philippines for international travel and also to improve our enabling mechanisms for tourism dito sa Pilipinas,” anang Kalihim sa panayam ng ABSCBN.

Ani Frasco, nitong linggo lamang ay nalampasan ang target nilang 1.7 milyon na international arrivals sa taong ito nang makapagtala sila ng 1.77 milyon na bumisita hanggang nitong Oktubre 17.

“We feel the great interest in the Philippines. And nakikita natin na nagsimula na yung recovery ng ating tourism industry sa Pilipinas,” masayang pagbabahagi niya.

Record breaking din ang Philippine Travel Exchange program ng DOT na umabot na sa lagpas P172 milyon ang sales.

Matatandaan na isa ang turismo sa tututukan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa katunayan ay mayroon siyang pitong stratehiya na nais bigyang pansin katulad ng pagpapaunlad ng imprastruktura, digitalization, pagpapabuti ng tourism experience ng mga dayuhan at pagpapaganda ng mga palikuran sa bansa.

Sa kabila nito, mananatili ang slogan ng DOT na ‘It’s More Fun in the Philippines’. RNT/JGC