2M Sinovac jabs na donasyon ng Tsina, natanggap ng Pinas

2M Sinovac jabs na donasyon ng Tsina, natanggap ng Pinas

December 15, 2021 @ 6:35 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Natanggap ng Pilipinas ang dagdag na 2 milyong doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng Chinese Government nitong Martes.

Sinalubong ito nina National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. kasama sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, Health Undersecretary Ma. Carolina Vidal-Taiño, and NTF strategic communications on current operations head Assistant Secretary Wilben Mayor.

Ang nasabing shipment ay dumating sa bansa ng lulan ng Philippine Airlines Flight PR 359 at luamapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sa Pasay City  bandang 6pm.

Sinabi ni Galvez na ipakakalat ang Sinovac vaccine sa mga malalayong lugar sa bansa.

“It will be needed for the first and second doses and also for the boosters,” ani Galvez sa isang interbyu.

Siniguro naman ni Xilian na patuloy nilang susuportahan ang Pilipinas.

“We will continue to support the Philippines until the final victory against the pandemic.” RNT