2nd booster dose para sa frontliners, seniors larga na sa Valenzuela

2nd booster dose para sa frontliners, seniors larga na sa Valenzuela

May 19, 2022 @ 12:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Simula Mayo 20, 2022, maaari nang magpabakuna ng 2nd booster dose ang mga senior citizens at frontline health workers ng Valenzuela City na tumanggap ng kanilang 1st booster dose apat na buwan o higit pa ang nakakalipas.

Binigyang-diin ng pamahalaang lungsod na hindi kabilang dito ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at immediate family members, at manatili lamang umanong nakaantabay ang nasabing mga sektor para sa mga susunod na anunsyo mula sa Department of Health at a pamahalaang lungsod ukol dito.

Kung kwalipikado, magtungo na sa Valenzuela Astrodome anumang araw mula Lunes hanggang Linggo, 8 a.m. hanggang 5 p.m. dala ang ValTrace QR Code, VCVax Passport/vaccination card, booster card, at isang valid o government-issued ID na nagpapatunay na senior citizen o frontline health worker.

Kung may comorbidity, dalhin din ang medical certificate na nakuha sa loob ng nakaraang anim na buwan. Merly Iral