2nd dose ng COVID vax pinagagamit na ng solon

2nd dose ng COVID vax pinagagamit na ng solon

March 15, 2021 @ 3:19 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Hinikayat ng isang mambabatas ang national government na gamitin na ang ikalawang dose ng COVID-19 vaccines.

Punto ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, ang mga bakunang itinakda bilang second dose ng COVID-19 vaccines ay maaari munang gamitin habang ang mga darating na susunod pa ay magsisilbi namang second dose.

“Sayang ‘yung 4 weeks na hinihintay ng bakuna. Mas magandang bakunahan muna para at least you have 600,000 people immediately covered. If not full protection at least nakasimula ka na,” saad ni Garin sa INQUIRER.net.

“So pagdating ng second batch e kung darating naman ‘yun ngayong buwan sa pagkakaintindi ko, ay magagamit na iyon. Parang sayang kasi na natutulog lang ‘yung bakuna.”

Maaalalang unang tinanggap ng Pilipinas ang unang batch ng COVID vaccine mula sa Sinovac na nasa 600,000 na sinundan ng AstraZeneca.

“Kung bayaran na agad ‘yan, edi  sigurado na mashi-ship yan. ‘Yung bakunang in-order, ready na ‘yun eh. It has all been made awaiting shipment. Twenty-eight days is a long time,” punto pa ni Garin.

“I don’t think there will be hinges unless wala pa tayong pera, pero imposible naman ‘yun.”

Tinanong din si Garin sa kung ano ang magiging sitwasyon kung sakaling ma-delay ang pagdating ng ikalawang dose ng COVID vaccines.

“Hindi naman siya mawawalan ng bisa [‘yung first dose]. Sa immunization kasi, if the succeeding dose is delayed, example yung schedule mo ng second dose ay biglang may lagnat ka, ide-defer lang ‘yan.”

“Although mas maganda kung papasok tayo doon sa recommendation na after 28 days,” dagdag pa ni Garin. RNT/FGDC