2nd dose sa edad 5-11 tiniyak ng NVOC

2nd dose sa edad 5-11 tiniyak ng NVOC

February 7, 2022 @ 4:47 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sinabi ni National Vaccination Operations Center Co-Lead at Medical Specialist II, Dr. Kezia Lorraine Rosario na dalawang dose pa rin ng Pfizer vaccine ang ibibigay sa mga batang nasa edad lima hanggang 11.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Rosario na 21 araw o tatlong linggo ang interval bago matanggap ang 2nd dose ng mga batang naturukan na ng unang dose ng bakuna.

Tiniyak naman aniya ng kanilang logistics team na lahat ng mga batang nabigyan ng 1st vaccine ay on-time nilang matatanggap ang kanilang 2nd dose.

Sa katunayan, ongoing naman ang delivery ng mga bakuna hanggang Marso, kayat sigurado aniyang may sapat na vaccine ang bansa para sa mga edad lima hanggang 11. Kris Jose